11.5.12

Ano ba ang kaibigan?

Sila yung mga kahit ay minsan hindi mo maintindihan, ay usap pa rin kayo ng usap.

Sila yung mga kasama mo sa simula na hindi mo aakalain na hanggang dulo pala ay bitbit mo sila.

Sila yung mga mukhang hinding hindi kang magsasawang makita.

Sila ang dahilan kung bakit ganito ang ugali mo ngayon.

Sila ang pamilya mo, tinatawag mong mommy kahit hindi mo talaga nanay, tinatawag mong bebe kahit hindi mo naman talaga anak, tinatawag mong yaya kahit hindi mo naman talaga yaya.

Sila ang supporters mo na kahit alam mong ang panget ng gawa mo, todo support pa rin.

Sila yung mga taong handang magmukhang tanga kasama mo.

Sila yung mga kahit tanong ng tanong at nababanas ka na sa kakatanong nila, hindi mo talaga magawang magalit sa kanila.

Sila ang dahilan kung bakit ka pumupuntang school kahit walang klase.

Sila ang inspiration mo. Sa dami ba naman ng love stories na naririnig mo sa kanila, paano ka hindi makakakuha ng idea?

Sila ang mga taong nasa listahan na nga mga iimbitahin sa kasal mo, kahit na wala ka pang boyfriend ngayon.

Sila ay minsan na tumatayong financer mo, pinapautang at nililibre ka.

Sila ang mga nakakasundo mo kapag may camera at vain ka.

Sila lang ang mga taong nakakaintindi kung bakit ka weird.

Sila ang mga tao na ayos lang kahit iisa lang ang straw na pinagiinuman mo, walang germs yan.

Sila ang mga taong laging nasa bahay mo.

Sila yung kahit na alam mong bad influence, ei wala kang magagawa ei. :))

Sila yung mga taong, kapag nag eenglish kayo, puro tawa.

Sila yung mga tao na alam na hirap ako sa Filipino, pero dahil sa kanila, ayan, nakagawa tuloy ako ng ganito.  :))

Hindi sila perfect, dahil sa nobody's perfect, pero what the heck, they make me happy.
At kahit na ito na, magkakahiwalay hiwalay na kami, how can I forget about these people? They made me who I am now kahit na ako yung "mommy" nila.
Madrama ako, I KNOW, pero at least napangiti ko kayo di ba?

Ayihee  =">

Sorry kung walang pictures. You know me people. I'm not really techy.  :))

4 comments:

  1. i cried:( I MISS YOU AND I LOVE YOU RAE!!! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. I MISS YOU TOO EENA!! :))
      labs na labs din kita :*

      Delete
  2. Rae! You made me cry din! Hahahaha. I love you raeeee! >:*< i miss you kagad! Ulitin natin ang pagfeed sa eyes. Masaya eh! Lalo na, take a break take a kitkat tayo. Hahaha. Ok korny ko. T.T

    ReplyDelete
  3. omigash rae!!! alab this (and you) porebur~ so touching! huhuhuhu T^T

    miss na kita at ang kubo peeps, tara galaaaaa!!! :))

    ReplyDelete